Iniiwasan ako ng isang young actress sa tuwing magkikita kami sa bakuran ng GMA 7 at sa studio ng Startalk. Allergic siya sa akin dahil palagi kong ibinubuking ang drama nila ng kanyang actor boyfriend.
Kasi naman kusang dumarating sa akin ang mga balita tungkol sa relasyon ng young actress at aktor, kesehodang hindi ako nagtatanong. Hindi ko na kasalanan ’yon ’no?!
Kung ayaw ng young actress na malaman ko ang activities nila ng kanyang dyowa, maging discreet sila para wala akong maibalita tungkol sa kanilang galit-bati na pagsasama.
Sen. Chiz mayaman sa thoughtfulnessMaraming salamat kay Sen. Chiz Escudero dahil siya ang una sa mga senador na nag-win noong nakaraang eleksiyon na hindi nakalimot na magpasalamat sa entertainment press.
Touched ang showbiz press sa thank you card na natanggap nila mula kay Papa Chiz dahil sa effort nito. Si Papa Chiz ang nakapirma sa mga card ng pasasalamat na ipinadala niya.
Si Papa Chiz ang poorest senator sa Pilipinas pero siya naman ang pinakamayaman pagdating sa pagiging thoughtful. No wonder in love na in love sa kanya si Heart Evangelista na kasama niya ngayon sa pagbabakasyon sa New York.
Kontrobersiyal ang My Husband’s Lover dahil tungkol sa kabadingan ang kuwento nito.
Kung hindi ako nagkakamali, si Dennis Trillo ang gaganap na closet gay sa coming soon primetime show ng GMA 7.
Hindi na bago kay Dennis ang pagganap na bading dahil baklita rin ang role niya noon sa Aishite Imasu, ang 2004 movie ng Regal Films. Nanalo pa ng acting awards si Dennis dahil kanyang gay role at mula noon, napansin na ang husay niya sa pag-arte.
Si Tom Rodriguez ang gaganap na lover ni Dennis sa My Husband’s Lover. Sa showbiz, marami ang katulad ng closet gay role ni Dennis pero hindi pa sila ready na lumantad. For the meantime, kuntento muna sila sa pagkainggit kay BB Gandanghari na hindi natakot na ipakilala sa buong mundo ang tunay na pagkatao.
Phillip kailangan ding solusyunan ang katabaanAng husay talaga ni Dr. Vicki Belo dahil siya lang ang nakapagpagaling sa peklat sa mukha ni Phillip Salvador.
Kung natatandaan ninyo, gumamit noon si Ipe ng maskara sa Protégé para matakpan ang scar niya sa mukha. Mala-Phantom of the Opera ang drama noon ni Ipe. Ang hindi alam ng televiewers, may ikinukubli si Ipe na peklat sa mukha.
Hindi ako lumabas ng bahay kahapon kaya napanood ko ang Unforgettable, ang afternoon drama series ng GMA 7. Kasali si Ipe sa show at puro close up ang kuha sa kanya. Himala sa lahat ng himala, walang bakas na nagkaroon siya ng peklat sa mukha dahil ang kinis-kinis ng aktor! Si Mama Vicki ang naka-cure sa skin problem ni Ipe kaya todo pasasalamat ito sa number one beauty doctor ng Pilipinas.
Isa na lang ang dapat ilapit ni Ipe kay Mama Vicki, ang kanyang weight problem dahil medyo healthy siya sa mga eksena niya sa Unforgettable.
Pareho sila ng aking inaanak na si Mark Anthony Fernandez na may katabaan din sa kanyang mga eksena sa Bukod Kang Pinagpala. Hindi kasalanan ang pagiging mataba pero bilang mga celebrity, responsibilidad ng mga artista na maging maganda at physically fit sa paningin ng kanilang mga tagahanga.
No comments:
Post a Comment