>

BALITANG SHOWBIZ

PINOY TRIBYA

PANLASANG PINOY

PANLASANG PINOY

Panlasang Pinoy

.

.

Best Filipino & Tagalog Recipes » FILIPINO RECIPES

IBA AND PINOY - . . powered by Pinoy Funny Pictures

Sport News:

Diaries of a Romance Writer

Kunyari lang na ayaw nang magtrabaho: Drama actor hindi na makamemorya at maka-dub ng mahahabang linya

Ilang beses nang inaalok ang drama actor na lumabas sa mga teleserye at kahit sa mga indie film pero panay ang tanggi nito. Hindi na kasi niya priority ang maging isang artista dahil mas abala na sa kanyang negosyo ngayon. Tutal naman ay ilang taon na rin ang ibinigay niya noon sa pagiging artista. Tama na raw iyon at ibang trabaho na ang gusto niyang gawin sa edad niya.

 Magandang excuse iyon ng naturang drama actor. Considering na guwapo lang siya noon pero wala namang masyadong napatunayan sa acting department. Kahit sino nga raw na direktor na humawak sa kanya noon ay walang magawa sa iisang style ng acting niya. Marunong lang makisama ang drama actor kaya pinapabayaan na lang nila dahil hindi naman ito bida.

Ngayon sa pagtanggi niya, ang totoo ay hirap nang mag-memorize ng mga linya ang drama actor. Meron na itong problema sa kanyang memorya kaya umiiwas sa trabahong kailangang mahabaan ang mga linyang ime-memorize niya.

Ang huling teleserye na tinanggap niya na may sampung taon na ang nakalipas, bigla na nga lang siyang pinatay sa istorya dahil ni-request niya iyon. Hindi niya kasi mamemorya ang kanyang lines o dialogues.

Kesa nga naman na maging dahilan siya ng delay sa taping, mabuti na nga ang tanggihan na lang niya ang offer at gawing excuse ang negosyo niya.

Hindi naman nagulat pa ang ilang mga kasabayan ni drama actor noon. Kahit naman kasi noon pa ay may problema na ito sa pagmew-memorize. Kaya never itong nag-dubbing dahil nagtatagal ito, papalya-palya ang memorya niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mabuti na lang at may nakuhang voice talent na kaboses ni drama actor. Ito ang parating nagda-dub sa mga linya ng drama actor dahil ayaw din nitong mag-dub.

Ito nga ang nagtapos sa isang pelikula ni drama actor nang mag-walkout minsan dahil hindi niya matapus-tapos ang dubbing niya.

Rason naman noon ng drama actor, waste of time raw ang mag-dubbing. Pero ang totoo, hirap siyang magmemorya at mag-synch ng boses niya sa dubbing.

Hiro tinanggal na ang apelyidong Magalona

Sobrang saya nga si Hiro Peralta dahil nabigyan na siya ng big break via Anna Karenina bilang isa sa leading men ng tatlong bidang babae.

Ipinartner nga sa kanya si Joyce Ching na real-life girlfriend ng kanyang kaibigan na si Kristoffer Martin.

Kasalukuyang partner ni Kristoffer si Kim Rodriguez sa Kakambal ni Eliana kaya hinabilin na nga nito ang kanyang girlfriend kay Hiro. Alagaan at respetuhin daw niya habang nagtatrabaho sila.

“Parang nagpalit lang nga kami ni Kristoffer. Ako ang laging partner ni Kim noon. Nag-partner na kami before sa Biritera. Ngayon sa kanya na muna si Kim at si Joyce ay akin naman.”

Magalona pa ang gamit na family name ni Hiro noong magsimula siya sa showbiz. Ang mother niya ang Magalona at pinsang buo nito ang yumaong si Francis Magalona.

Pero ipinagamit na rin sa kanya ang totoong family name niya na Peralta para magkaroon na siya ng sariling identity.

Lumabas na rin dati si Hiro sa Iglot, Tweets For My Sweets, Cielo de Angelina, at kasalukuyan siyang mainstay sa Walang Tulugan with Master Showman.


View the original article here

No comments:

Post a Comment

Free Advertising