Sangkot sa isang malaking eskandalo ang aktor na hindi na aktibo sa showbiz. Hindi makapaniwala ang friends ng aktor na magagawa nito na gumawa ng krimen.
Kumbinsido naman ang ilang nakakakilala sa aktor na capable ito na manloko ng kapwa dahil lulong siya sa masamang bisyo. Natsugi ang aktor sa isang panghapon na teleserye ng isang TV network dahil nahuli siya na gumagamit ng droga. Caught in the act ang aktor habang nasa loob ng toilet at aligaga sa taping ang kanyang co-stars.
Heart at Chiz nagpakilig sa MalacaƱangNakabalik na mula sa kanilang New York vacation sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.
Ang oath-taking ceremonies kahapon ng mga senador na nanalo sa nakaraang eleksiyon ang unang public appearance nina Papa Chiz at Heart pagkatapos ng kanilang pagliliwaliw sa New York, kasama ang kambal na anak ng senador.
Ginanap ang oath-taking sa MalacaƱang Palace kaya pinagkaguluhan sina Papa Chiz at Heart ng mga print at TV reporter na kilig na kilig sa sweetness ng dalawa. Ang feeling ng mga usisero, hahantong sa simbahan ang relasyon nina Papa Chiz at Heart. Mangyari kaya ang kasalan bago sumapit ang 2016?
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1 Ligtas preview hindi natuloyKanselado ang press preview ng Ligtas sa Lunes. Looking forward pa naman ang entertainment press na mapanood ang bagong project ni Se. Loren Legarda at ng award-winning director na si Brillante “Dante” Mendoza.
Tungkol pa rin sa pangangalaga sa kalikasan ang bagong documentary movie nina Mama Loren at Dante. Reset for another date ang press preview, ayon sa taga-invite ni Mama Loren na nanumpa rin kahapon sa harap ni P-Noy dahil nahalal muli siya na senador.
Gay serye maganda ang feedbackHappy ang management ng GMA 7 dahil sa mataas na ratings at positive feedback sa My Husband’s Lover.
Ang prediction nila, mapapantayan ng bagong primetime show ng Kapuso Network ang ratings ng Temptation of Wife na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dennis Trillo.
Inabangan ang paglabas ni Dennis sa My Husband’s Lover dahil alam ng televiewers na mabibig-yan niya ng justice ang role bilang gay lover ni Tom Rodriguez.
Aktor tuloy sa pagpapantasyang crush niya ang kasama sa teleserye kahit alam ng lahat na bading siya
Walang naniniwala na lihim na crush ng isang aktor ang co-star niya sa teleserye. Paano raw mangyayari ’yun eh mas babae pa ang aktor kesa sa aktres?
Pinagtatawanan ang drama at pralala ng aktor kapag nakatalikod ito dahil pang-My Husband’s Lover ang gimik niya na never na kakagatin ng press na nagiging polite lamang kaya sinasakyan ang kanyang mga pantasya.
No comments:
Post a Comment