




Nagsampa ng kasong sibil ang komedyanteng si AiAi delas Alas laban sa kanyang hiniwalayang asawang si Jed Salang. Violence against women ang kasong isinampa niya at humihingi siya ng Temporary Protection Order, tuloy Permanent Protection Order na rin na magbabawal sa kanyang dating asawa na lumapit sa kanya nang mas malapit sa isandaang metro. Sinabi ni AiAi na natatakot siyang ulitin pa ni Jed ang ginagawang pananakit sa kanya.
Hiniling din ng komedyante sa korte na magpalabas ng isang gag order na magbabawal kay Jed na magsalita pa tungkol sa kanilang naging relasyon sa media at sa kanino man.
Tiyak na ang kasunod niyan ay pagpapawalang bisa ng kanilang kasal na sa tingin naman namin ay hindi na kailangan kasi nga out of jurisdiction naman ang kasalang iyon.
Marami ring lumabas na mga nakakagulat na detalye sa reklamo ni AiAi. Lumalabas na si Jed pala ay binibigyan niya ng sustentong P40,000 buwan-buwan simula nang magsama sila. Bukod pa iyon sa mga binibili na mga mamahaling sapatos, bag, at kung anu-ano pa na hindi lamang gamit niya kundi ibinibigay din sa mga kaanak niya at sa kanyang isa pang girlfriend.
Lumabas na rin ang katotohanan na noong unang mapag-usapan ang pre-nuptial agreement, para walang pakialam si Jed sa anumang property na nabili na ni AiAi o bibilhin pa on her own habang sila ay nagsasama, tumanggi ang lalaki sa kasunduan. Mangangahulugan kasi iyon na wala siyang hold sa anumang kayamanan mayroon ang aktres.
Ngayon sinasabi ni AiAi na humingi na siya ng proteksiyon sa kanilang barangay at humihingi nga siya ng protection order mula sa korte dahil natatakot siyang sugurin sa kanyang bahay ng asawa at muling saktan.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1Naikuwento na rin niya na kinagabihan matapos ang kanilang kasal sa halip na isang honeymoon ay nagtalo sila at nauwi sa pagpapasak ng unan ni Jed sa kanyang mukha kaya hindi siya nakahinga. Pero naitulak daw niya iyon at nagtangka nang tumakas pero sinabi ni Jed na sasaksakin niya ang kanyang sarili at tatalon sa bintana ng hotel oras na ginawa iyon ni AiAi.
Talaga palang magulo na sila. Dapat lang talagang maghiwalay na sila at sa lumalabas ngayon ay maliwanag na ang motibo ni Jed sa pagpapakasal niya kay AiAi.
Vice Ganda tablado kay Jessica SohoGusto raw humingi ng dispensa mismo ni Vice Ganda kay Jessica Soho dahil sa mga sinabi niyang hindi maganda tungkol sa inirerespetong broadcaster. Si Jessica ay inirerespeto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nakatanggap na siya ng Peabody Awards noong 1999 at napili rin sa British Fleet Journalism Awards noong 1998. Kamakailan lamang nakatanggap siya ng award bilang most credible news presenter mula sa Readers’ Digest. Isipin ninyo ang mga karangalang iyon ’tapos mababastos lamang siya ng isang komedyante sa isang concert?
Hindi raw kinausap ni Jessica si Vice Ganda na tumawag sa kanya sa telepono. Siguro, kami man ang nasa puwesto ni Jessica, ganoon din ang gagawin namin. Subukan pa niyang makipagharap ng personal kung hindi namin siya ipahabol sa aso.
Minsan pipiliin naman sana ang mga taong babastusin. Nauna kay Jessica, ginanyan din niya si Nancy Binay, paano kung balikan din siya ng senadora? At ni hindi siya nag-apologize man lang.
Log in or register to post comments Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1 .link-wrapper {position: relative;top: 33px;}.region.article-ad-region.clearfix.article-ad-box {width: 0;}#article-bottom #block-block-32 {margin-top: 10px;position: relative;top: 0;}.content #social-article-bottom {position: relative;}.content #social-article-bottom ul {margin: 0;padding: 0;}.content #social-article-bottom ul li {display: inline;}.content #social-article-bottom ul li div {float: left;}Follow Us:



Komedyana ayaw nang makipagbalikan, suot na helmet nalaglag na: Asawa ni AiAi nakabuntis ng iba?! May 19, 2013 - 12:00am Julie Anne tameme na tungkol kay Daniel! May 19, 2013 - 12:00am Hiwalay na: Malaking problema ni AiAi kay Jed ibinuko ng anak! May 18, 2013 - 12:00am Panukalang Philippine standard time batas na May 23, 2013 - 3:49pm Jed nangomisyon sa kotseng iniregalo sa kanya Porsche binawi ni AiAi! May 21, 2013 - 12:00am Gusto ng sex ni kuya? Last Part May 17, 2013 - 12:00am ‘DI lang pinahahalata, Juday umaming nagkaka-problema NA ang pagsasama nila ni Ryan! May 23, 2013 - 12:00am Pagbitiw nina Oprah Winfrey at David Foster noong 2012 pa balita! Charice balik na sa pagiging starlet May 20, 2013 - 12:00am Kalbaryo ni AiAi di pa tapos May 21, 2013 - 12:00am Pinakamagastos na serye sa GMA tinuldukan na May 27, 2013 - 12:00am Tingnan lahat Pang-Masa ( MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
About Us
Contact Us
Advertise With Us
Subscribe to Newspaper Site Map
Privacy Policy
Member Agreement
Copyright Notice 6TH Floor, RFM Corporate Center Pioneer St.,
Mandaluyong City Philippines
Tel. No. (632) 637-5400
For advertising concerns: email advertising@philstar.com
For marketing concerns: email marketing@philstar.com Copyright © 2012. Philstar. All Right Reserved
No comments:
Post a Comment