Ayon kay BFAR head Asis Perez, marami pa namang ibang lugar na mapagkukunan ng isda upang mapunan ang pangangailangan ng bansa.
Sa isang ulat ni Allan Gatus sa dzBB, sinabi ni Perez na ang isdang huli sa Zambales, na apektado ng agawan sa teritoryo, ay kumakatawan lamang sa maliit na bahagi ng produksyon ng isda sa Pilipinas.
Ngunit inamin niya na ang gusot ay nakaaapekto na sa pamumuhay ng mangingisda sa Zambales.
Tinataboy ng mga mangingisdang Tsino ang mga Pilipino sa tuwing lalapit ang mga tio sa shoal na pugad ng maraming isda at iba pang mga lamangdagat.
Tiniyak naman ng MalacaƱang na tutulungan ng BFAR ang mga mangingisda sa Zambales at karatig-lugar nito na sa pinakamahabang panahon ay nangingisda na sa Panatag Shoal, na tinatawag din na Bajo de Mansinloc, dahil bahagi ito ng bayan ng Masinloc.
Ayon kay deputy spokesperson Abigail Valte, nagpadala na ng payaw (artipisyal na silungan ng mga isda) sa kanlurang Luzon upang makatulong sa mga mangingisda.
Patuloy na pinagtatalunan ng Pilipinas at China ang pagmamay-ari sa Panatag Shoal. Dinala na ng Pilipinas sa international court ang hinaing nito laban sa China. — JGV /LBG, GMA News
No comments:
Post a Comment