>

BALITANG SHOWBIZ

PINOY TRIBYA

PANLASANG PINOY

PANLASANG PINOY

Panlasang Pinoy

.

.

Best Filipino & Tagalog Recipes » FILIPINO RECIPES

IBA AND PINOY - . . powered by Pinoy Funny Pictures

Sport News:

Diaries of a Romance Writer

Veteran actress sumibat pagkatangay ng tatlong designer clothes na ipinahiram lang

Imbyernang-imbyerna ang head ng costume department ng isang TV network sa isang veteran actress dahil hindi nito naibalik ang tatlong damit na ipinahiram lang sa kanila ng isang designer para gamitin sa taping ng show.

Hindi nagdadala ng mga damit ang naturang veteran actress dahil nasa kontrata niya na ipo-provide ng production ang mga isusuot niya. Mula sapatos, damit, at accessories.

Kailangan kasi na designer clothes ang isuot ng veteran actress dahil sa role nito sa show. Dahil hindi ito maa-afford ng veteran actress, ipinaubaya na lang niya sa costume department.

Kaya every taping ay ilang designers ang kinakalampag ng mga stylist ng show dahil nga dinadamitan nila ang veteran actress.

For approval ang lahat ng damit sa kanilang head at daraan ang mga damit sa kanya para mailista at makunan ng litrato. Para naman walang mawalang damit dahil mamahalin ang ibang nakukuha nilang mga damit for the taping.

Pero naloka nga ang staff nang tumawag ang isang designer at sinabing kulang ng tatlong damit ang ibinalik sa kanya ng stylist. May litrato at nakalista sa kanya ang mga damit at nagtugma nga ito sa listahan at litrato ng head ng costume department.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nalaman nila na ang nagsuot ng tatlong damit ay ang veteran actress. Pinagalitan ng head ang stylist dahil kabilin-bilinan nito na bantayan ang mga damit na tapos nang gamitin dahil kailangan nilang ibalik ito ng maayos.

Ayon pa sa designer, bagung-bago pa naman ang mga damit na iyon at hindi pa ito nairarampa sa fashion show. Dahil sa pakiusap ng stylist kaya niya pinahiram ang mga damit.

Kinontak nila ang veteran actress pero hindi ma-reach ang kanyang cell phone number. Nalaman lang nila na nagbakasyon na ito sa kung saang bansa at ilang weeks ito bago makabalik.

Wala silang magawa kundi ang maghintay sa pagbalik ni veteran actress para malaman kung nasa kanya nga ang tatlong designer dresses na biglang nag-disappear.

Yul gagawin ang lahat para kontrahin ang sinulat ni Dan Brown

Ayaw paapekto si Manila Councilor Yul Servo sa naisulat ng novelist na si Dan Brown tungkol sa pagkaka-describe nito sa Manila bilang “gates of hell.” Malaking kasiraan nga raw iyon para sa ating bansa at gagawin nila ang lahat para patunayan na walang katotohanan ang pagkakasulat tungkol sa Manila.

 “Ang fear namin ay baka matakot ang mga turista na pumunta na sa bansa natin. Malaking epekto ang pagkakasulat ni Dan Brown kaya we are doing everything para mapaganda namin lalo ang City of Manila.

 “Lahat ng mga tourist spot sa Maynila ay lagi naming inaayos like ’yung Intramuros, Fort Santiago, Luneta Park, at ang Manila Ocean Park. ’Yan ang mga madalas puntahan ng mga turista sa atin.

“Ngayon ay na-elect na si former President Joseph Estrada bilang mayor of Manila, alam kong marami siyang iniisip na mga bagong paraan para maging main attraction ulit ang City of Manila,” sabi ni Yul.

Kahit na busy si Yul sa kanyang political career, hindi pa rin niya kayang iwan ang pag-arte. Kasali nga siya sa cast ng Anna Karenina ng GMA 7. Gumaganap siyang adoptive father ni Barbie Forteza na isang lasenggo at sugarol.

Valeen gustong pagpraktisan ang mga prinsesa ng TV5

Masayang ibinalita ni Valeen Montenegro na ga-graduate na siya ngayong July sa kanyang kursong fashion design and merchandising sa College of St. Benilde-School of Design.

Maraming naisakripisyo na mga trabaho si Valeen para lang hindi siya umabsent sa kanyang mga klase. At ngayon ay worth it lahat dahil ga-graduate na nga siya.

“I’ve been turning down coming out sa mga drama series kasi hindi kaya ng schedule ko sa school. Nagpapasalamat nga ako sa TV5 because they’ve been so understanding. Alam nila na importante sa akin ang studies ko kaya paisa-isang show muna ang ibinibigay nila sa akin.

     “Now at tapos na ako, puwede na akong rumaket ng bonggang-bongga. Sinabi ko nga kay Sir Perci (Intalan) na puwede na akong mag-drama. Kelan ako pipili ng leading man ko?” tawa pa niya.

     Gusto nga ni Valeen na siya ang magdadamit sa mga prinsesa ng TV5 tulad nina Eula Caballero, Ritz Azul, Sophie Albert, at iba pa.


View the original article here

No comments:

Post a Comment

Free Advertising