>

BALITANG SHOWBIZ

PINOY TRIBYA

PANLASANG PINOY

PANLASANG PINOY

Panlasang Pinoy

.

.

Best Filipino & Tagalog Recipes » FILIPINO RECIPES

IBA AND PINOY - . . powered by Pinoy Funny Pictures

Sport News:

Diaries of a Romance Writer

US concert ni Sarah tagumpay

Tagumpay ang 24/SG world concert tour na isinasagawa ni Sarah Geronimo na nag-umpisa noong May 25 sa San Francisco, California. Sinundan ito noong May 26 sa Arizona, USA at ngayong June 1 sa San Diego, California, at June 2 sa Los Angeles, California uli.

Naging guest ni Sarah sa kanyang US concert tour si Matteo Guidecelli at Jon Santos.

Ang 24/SG ay ang matagumpay na concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum last year para sa kanyang 24th birthday. Produced ang concert ng Viva Concerts & Events South Inc. and Redstone Media Productions.

Pagkatapos ng kanyang US Tour magkakaroon si Sarah ng provincial concert on June 28 at St. La Salle Coliseum, Bacolod City.

Matagal-tagal ding hindi nakapag-US Tour si Sarah kaya naman nasabik talaga ang mga Pinoy na makita at mapanood siya’t nagdagsaan talaga sila para mapanood ang Pop Princess.

Samantala, ayon sa mga report, ang pelikula nina Sarah at John Lloyd Cruz na It Takes a Man and a Woman ang pina­kamalaking kinitang pelikula Pinoy. Sa kasalukuyan, ang peli­kula ay kumita na raw ng P401 million at nalampasan na ang pelikulang Sisterakas na kumita noong 2012 Metro Manila Film Festival ng P391.40 million, ayon sa report ng Mojo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kasali sa listahan ng Top 20 Highest Grossing Films of All Time ang tatlong pinagsamahan nina Sarah and John Lloyd. Nasa No. 7 ang You Changed My Life na kumita ng P225.21 million and No. 8 ang A Very Special Love na kumita naman ng P179.24 million.

Pagbalik ni Sarah ay magiging abala naman siya sa pagsisimula ng The Voice sa ABS-CBN kung saan isa siya sa mga mentor.

Sandy hindi nalungkot nang matalo si Christopher sa Batangas!

Nakatsikahan namin si Sandy Andolong sa presscon ng Anna Karenina at kinumusta namin sa kanya ang mister na si Christopher de Leon who as we all know ay tumakbong congressman sa Batangas pero hindi pinalad na manalo.

 Ayon kay Sandy ay okay naman ang mister and, in fact, gumagawa na ito ng soap sa TV5, ang Misibis Bay, at may gagawin din ito sa ABS-CBN with Angel Locsin.

 “Okay naman siya, very busy, right away,” she said.

Itutuloy pa rin ba ng asawa ang political career nito sa susunod na eleksiyon?

“I don’t think so. That’s what we talked about. ’Yung sa amin, ang point of view namin ng mga anak ko is nanalo ka kasi you played the game fairly eh. Hindi ka nakipagsabayan sa hindi dapat. Hindi ka kinain ng sistema.

“And sabi ko sa kanya, to be honest, you’re too trusting. You’re too honest to be in politics. Hindi ka gameplayer eh. And admittedly, okay naman sa kanya. Sabi niya, ‘Okay na ako. I want a simple life.’”

Kung si Sandy ang tatanungin, ayaw naman niya talaga sana na maging pulitiko si Boyet. Pero siyempre dahil gusto ng mister, sinusuportahan niya ito. Kaya siya ang unang-unang natuwa nang magdesisyon na ito ngayon na tama na.

“Now, he has more time for me and my children,” natatawa niyang say.

So, tanggap na rin ni Boyet na hindi siya para sa pulitika?

Sagot ng misis, “Oo naman, parang ano siya, nakahinga.”

Natanong din namin kay Sandy kung gaano katotoo na hindi raw totoong tumulong si Batangas Gov. Vilma Santos kay s?

“Tumulong naman, ’yung proclamation rallies, she was always there. Saka talagang todo sa asawa ko. When she does her speech, ang tagal. Puro magaganda ang sinasabi niya, mga na-accomplish ng asawa ko. So, it’s not true,” paglilinaw pa ni Sandy.


View the original article here

No comments:

Post a Comment

Free Advertising