>

BALITANG SHOWBIZ

PINOY TRIBYA

PANLASANG PINOY

PANLASANG PINOY

Panlasang Pinoy

.

.

Best Filipino & Tagalog Recipes » FILIPINO RECIPES

IBA AND PINOY - . . powered by Pinoy Funny Pictures

Sport News:

Diaries of a Romance Writer

Sam hindi nahiyang maghubad sa harap ni Judy Ann

Kung sa Huwag Ka Lang Mawawala ay bayolenteng tao ang role ni Sam Milby, in real life ay kabaligtaran ito and in fact ay napakahaba raw ng kanyang pasensiya.

Nagagalit din siya pero never pang dumating sa point na nanakit siya ng babae.

“I will never do that,” sabi niya.

Madalas ay sa traffic lang siya nagagalit at nag-iinit ang ulo.

“Minsan depende rin sa sitwasyon pero, basically, mahaba talaga ang pasensiya ko,” aniya.

Sa serye ay may topless scenes si Sam sa harap ni Judy Ann Santos kaya natanong sa kanya kung hindi pa siya nailang sa kanyang kapareha habang kinukunan ang nasabing eksena lalo pa nga’t pinuri-puri ng aktres ang kanyang abs.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“No naman. Thank you kay Juday for flattering me. Mas nakakahiya sa akin kapag nahihirapan ako sa eksena na hindi naman ’yung ganito,” sabi ng Fil-Am actor.

Sobra rin ang pasasalamat ng aktor kay Juday dahil sa ipinaglaban siya nito na makasama sa serye. In fact, sa simula pa lang ay siya na ang personal choice ng aktres.

 “All I can say is that I’m honored, you know, and thankful. Sana nga lang ay hindi ko siya madi-disappoint—kay Juday, sa management, sa tao.

“I’m challenged by myself, the management, kay Juday, she challenges me. Like what I’ve said si Juday has mastered the art of acting. ’Yung makaeksena ko siya, I’m just pressuring myself to really be good.

“Gusto ko talagang ipakita na I’m taking it seriously, na gusto ko talagang mag-improve sa craft, and gusto kong ipakita na kaya kong gawin ang ganitong role,” pahayag ni Sam.

Toni, Bea, at Angel aminadong mga pakialamera

Sa pelikulang Four Sisters and a Wedding ay magkaka­patid ang role nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Angel Locsin, at Enchong Dee. Bunso nila si Enchong at pinakikialaman talaga nila ang love life nito.

Sa totoong buhay, ayon sa mga aktres, ay ganun din sila except si Shaina na bunso sa pamilya kaya oo lang daw siya nang oo sa kanyang mga nakatatandang kapatid.

Si Toni ay panganay kaya naman siyempre pinakikiaalaman daw niya ang kapatid na si Alex.

“Pero ’yung pakialam na alam mo kung ano ang makabubuti sa kanya kasi kapamilya ka eh. Wala ka namang hinahangad na hindi maganda pero nasa kanya naman ’yun kung makikinig siya o hindi,” sabi ni Toni.

Si Bea naman, para raw siyang second mom ng kapatid niya bagama’t four years lang ang pagitan nila.

“Dahil maaga kasi akong nagtrabaho. So, lagi akong may say sa lahat ng aspeto ng buhay niya, pag-aaral niya, ngayon kung saan     siya magtatrabaho, kung saan siya pupunta for holidays, mga ganyan.

“Pero pagdating sa pag-ibig, hindi rin ako perpekto eh. Hindi ko kayang makialam. Ang ginagawa namin, parang naging tradisyon na namin na ’pag may family bonding kami ay sinasama namin ’yung mahal namin sa buhay, boyfriend ko, girlfriend niya. So, doon nakikilala ko ’yung pagkatao ng babae, nakikita ko kung paano niya napapasaya ang kapatid ko at kapag nagbe-break din sila ako rin ang unang nasasaktan. Hindi ako masyadong nakikialam basta kung saan magiging masaya ang kapatid ko, doon ako,” sabi ni Bea.

Si Angel naman, sa mga kapatid niya, ’yung bunso nilang lalaki ang naalagaan niya habang lumalaki kaya doon siya mas protective.

“Ayoko siyang masaktan kaya nangingialam po ako sa mga relasyon niya. Binabasa ko ’yung mga status niya. Hindi ko po alam kung alam niya pero baka i-block na niya ako ’pag nalaman niya ngayon,” natatawang sabi ni Angel.

“Ginagawa ko ’yun kasi ayokong masaktan ang kapatid ko. Pero alam ko naman kung hanggang saan ang pakikialam dahil baka naman sa sobrang pakikialam ko eh masira naman ang relasyon namin so, may hangganan.”

Samantala, showing na ang Four Sisters and a Wedding on June 26, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.


View the original article here

No comments:

Post a Comment

Free Advertising